Wednesday, July 21, 2010

EMPLEYADO NG PHIL. CONSULATE SA DUBAI, AL GHUSAIS-- AYAW MAG PAKILALA DAHIL AYAW MAIREKLAMO!

Mga kaibigan, kung kayo po ay nagawi na o nag babalak na pumunta sa Consulate ng Pilipinas sa Al Ghusais, Dubai-- basahin nyo po muna itong nangyari saakin na sukdulan ang nakabastusan at kagaspangan ng pag uugali ng isang tao na nag-ngangalang "OYONG". "OYONG" akalain nyong ang bagyong Oyong pala eh nakarating sa Dubai? ......

Araw po ng Linggo, July 18, 2010 sa oras na 12:00 hapon- 2:00 pm, ako po ay nasa tanggapan sa Philippine Consulate - Al Ghusais para mag pa-renew po ng aking pasaporte. Mula sa aking pinagta-trabahuan, sa layo nun at sa init sa katanghalian, sinadya ko ang tanggapan. Bilang isang baguhan sa pag papa-renew, gusto ko malaman ang proceso sa pag renew ng pasaporte, dahil alam ko, mahirap ang pupunta sa embahada ng walang alam. Tinignan ko ang iyong website (http://www..pcgdubai.net/services.html), may mga forms pa nga kayo dun na pwede i-download, pero hindi rin pala ito pwede at dun na rin sa tanggapan makakakuha ng libre. Sa website nyo, nandun din ang landline nyo, tinawagan ko rin naman ang info rmation ng etisalat para malaman ko rin ano ang numero sa tanggapan—dahil hindi po biro na sasadyain ko ang AlGhusais ng wala akong mapapala sa huli. Sa sinamang palad, mula nung Sabado, hanggang sa mga oras na ito (3:39pm July 19, 2010- Monday) wala pa rin sumasagot sa landline —04-2544331, tama po ba? At kung sa may sasagot naman, ang answering machine na kung saan eh matapos na magsalita ay mawawala na rin ng bigla pagkaraan na i-dial ang local no. at tuluyan ng walang sasagot.


Ng dumating ako sa tanggapan nayan, natural lang na madadatnan mo ang maraming tao, nag tanong tanong ako at tinuro naman ako sa isang pinto mula sa gate kanan. Pag bukas ko ng pinto, nandun ang mga tao na tulad ko nag re-renew din, ang karamihan- nakapila. Nag tanong ako sa isang babae na nasa huling pila, at itinuro ako sa isang mesa sa tapat ng pinto. Isang lalaki na naka barong na kulay- old rose, at may bigote. Dun daw po ako lalapit at kukuha ng schedule para sa renewal. Paglapit ko sa table nya, meron pa syang kausap na isang babae na ibang lahi—naka abaya. Malinaw na hindi sya isang Pinoy dahil sa kanyang pananalita na Ingles. Ng mag tanong sya sa lalaking na naka barong na may bigote nga, ang tanong ng babae “Where to pay this?” PABALANG na sumagot ang lalaki na ito, (ito nalang ata ang paraan ng alam nya kung paano umistama ng mga gaya ko na dinadayo ang isang lugar na napakalayo sa syudad.) "You go Al Ghusais, you pay and come back here!" yan ang sagot nya sa babae na take note, IBANG LAHI. Matapos ang babae, ako na ang sumunod- sa mga oras na ito, wala ng pila. Tinanong ko sya ng MAAYOS. "Sir, kuya, san po ba ang renewal?' tinuro ako sa pila, "renewal section". Ng pumila ako, nag tanong ako dun sa isang babae, ano ang procedure ng pag renew.Nakita nya na wala pa pala akong schedule at form, tinuro nya ako dun sa lalaki (sya parin-- si Oyong parin!) nilapitan ko, nag tanong ako ano procedure. Hiningi nya ang aking passport, sabi nya na PABALANG na naman "Passport mo?!" so binigay ko, may kung anong inencode sya at inistapler sa passport ko. Tanong ulit ako, ano procedure ng renewal. Mantakin nyo bang sagot nya eh "Ayan passport mo! binigyan na kita ng schedule, di mo ba nakikita?!" Nakita ko nga yung inistapler pala nya, schedule ng pag balik ko sa Wed. July 21. Umupo akos a tabi nya at finil-apan ko yung form. may dumating na isang Indiano- kamalasan, yun parin ang pinagtanungan. Tanong ng Indiano "how can i get a visa going to Phils?" aba ang sagot ng "OYONG" kinuha ang papel na inaabot ng Indiano, at sinagot na PABALANG na naman "You did not write your wife name here!" ang gaspang ng ugali hindi ba? Pangalawang dayuhan ang nag tanong sa tao na ito, pero pareho pa rin ang gaspang na ipinakita nitong OYONG na ito. Binalikan ko sya matapos kong nafil-apan ang form at nag tanong, ano ang susunod na gagawin ko. Aba ang sagot ba naman sakin, "binigyan na kita ng shedule, bumalik ka nalang sa araw ng schedule?!" aba at nag pantig na ang tenga ko sa BASTOS na OYONG. Sinabihan ko sya kung gaano ka gaspang at kabastos ang ugali nya saakin at sa mga tao na nag tatanong sa kanya. Tinanong ko ang pangalan nya, lalong uminit ang nangyari dahil alam na nya na galit na ako at talagang irereklamo ko na sya. Mukat ba naman sabihin sakin na "Sige! magreklamo ka! dun sa opisina!" ang tapang diba? isang empleyado na nag tatrabaho sa ahensya ng Pilipinas kung sumagot sa mga Pinoy o sa mga ibang lahi ay kagaspangan ang ipinakikita nya.


Nag tungo ako dun sa loob ng consulate maraming tao-- pag pasok nyo, merong mesa sa gitna, wala naman naka-upo. Naghitany ako, nag tanong kung nasaan yung naka-upo sa mesa, may lumapit na babae, may ka-edaran na rin at mahaba ang buhok-- tanong nya ano kailangan ko, sinabi ko na may irereklamo ako na isang kasamahan nila at san po ba ako mag rereklamo. Ng dumating yung nakaupo sa mesa, parehong tanogn din, parehong sagot din-- paulit ulit ang usapan. Tinanong ko ano ang pangalan ng lalaki na nasa renewal o nag bibigay ng schedule ng renewal ng passport-- dito na ako nagulat sa mga sagot nilagn dalawa. HINDI DAW SILA ALLOWED NA SABIHIN ANG PANGALAN NG KASAMAHAN NILA. yan lang naman ang sagot nila. inamin din nung babae na nakausap ko, na sadyang ganun lang daw ang pag uugali ng lalaki na yun at mapagbiro daw. Pag bibiro ba ang tawag sa ganun? Nag bibiro na wala naman tumatawa? bagkus, lahat ng nakakaharap nya nakasimangot sa galit sa kanya?


Dahil wala akong makuhang sagot sa dalawang babae-- ang tungo ako sa likod ng mesa na yun at dun may opisina. sa loob pala, nandun pala ang kuhanan ng picture para sa passport- eto yung bandang kaliwa at sa kanan naman may opisina, na kung saan may babae na naka upo (kumakain) at isang babae na bantay ng 2 sanggol na nasa lapag ng mesa. Isang lalaki na naka barong na puti ang nasa tabi ko na lalapit din sa pupuntahan kong opisina. Nang magkaroon ako ng pag kakataon at tinanogn naman ako ng babae ano ang kailangan ko, sinabi ko na ang aking pakay na "may irereklamo lang po sana ako na empleyado nyo" ulit ulit na naman na usapan. Sa bandang huli, di rin nila naibigay sakin ang pangalan ng lalaki na tinutukoy ko. Sinamahan ako ng lalaking naka barong na puti patungo dun sa "OYONG".
Nang magkita kami ulit, mamukat sabihin ng OYONG saakin "ano mag rereklamo ka? irereklamo mo ako? dun ka sa pulis mag reklamo" o diba? ang tapang ng sagot ng tao na ito? sa hinaba haba ng oras na nilagi ko doon sa CONSULATE na yun, dun lang ako namangha sa mga nag tatrabaho na nag tatakipan ng kapwa nila. Sabat ng naka barong na lalaki, mabuti pa dun nlang kayo sa loob mag usap. Sabat ng OYONG 'sgie samahan kita dun sa loob at dun ka magreklamo huh?!" Pag balik namin sa loob, sa haba ng usapan, naitanong ko kung paano ko irereklamo ang tao na yun, sagot ng nakabarong, i written complaint ko nga daw-- ABA , PANO KO KAKO- IREREKLAMO ANG TAONG AYAW MAG PAKILALA MAN LANG NG PANGALAN? At ni isa sa kanila doon ay ayaw sabihin ang pangalan? Sabat ng OYONG: "sige irereklamo mo ako, irereklamo din kita.. ano pangalan mo? " inawat sya ng lalaking nakaupo na kausap namin at nabanggit sa wakas ang OYONG na pangalan. Tinanong ko ng ilagn ulit ang pangalan-- di daw talaga sila allowed mag sabi ng pangalan. Tingin ko sa oras na yun, halos 2 oras na rin nasayang ang oras ko sa mga taong hindi ko malaman kung anong klaseng PROTOCOL meron sila. Hinarap ko ang taong nag ngangalang "OYONG" at sinabi ko sa mukha nya na "AKO HINDI MO KILALA? AT TINATANONG MO ANO PANGALAN KO? HINDI BAT BINIGAY KO ANG PASSPORT KO KANINA SAYO AT BINIGYAN MO AKO NG SCHEDULE? BAKIT HINDI MO BALIKAN ANG COMPUTER MO KUNG SAN MO INENCODE ANG PANGALAN KO AT MOBILE NUMBER KO AT DUN KA MAG REKLAMO? TATANUNGIN MO ANO PANGALAN KO KUNG AKO NA KANINA PA NAG TATANONG SA MGA TAO DITO KUNG ANO ANG PANGALAN MO AT MAIRELAMO KITA SA TAMANG PARAAN -NI ISA WALANG MAKAPAG SABI NG PANGALAN MO! BASTOS! "


NI ISA SA KANILA WALANG NAKAPAG SABI SAKIN KUNG ANO ANG PANGALAN NG TAO NA ITO. Kung makikita nyo ang group picture na naka post dito, hindi naman sila libo kung bilangin mo at para hindi sila magkakakilanlan diba? sa mga kaibigan kong nag karoon ng parehong pangyayari ng pambabastos nitong OYONG na ito, at sa mga pupunta sa consulate. Sana maging daan ito para malaman ng mga taga CONSULATE NG PILIPINAS dito po sa Dubai na HINDI PO TAMA NA MAG PAKITA NG KAGASPANGAN NG PAG UUGALI ANG MGA OFW NA NAG TUTUNGO DYAN SA OPISINA NA YAN DAHIL KAYO PO AY MGA EMPLYEADO NA NAG BIBIGAY NG SERBISYO SA PUBLICO-- KUNG SAKALING HINDI NYO KAYANG MAG BIGAY NG KAGANDAHANG ASAL SA MGA SINASABI NINYONG MGA BAYANI NG BAYANG PILIPINAS (OFW) EH MAY CHOICE KAYO NA MAG RESIGN. AT HWUAG MAMBASTOS NG MGA PILIPINO AT MGA IBANG LAHI NA GUSTONG PUMUNTA SA BAYAN NATIN.


SALAMAT PO !



ROWENA P SANTOS
AYBI Energy FZC
Administrator
AYBI ENERGY FZC
Mob. +971 50 2193872
PO Box 122279 Sharjah UAE

25 comments:

  1. Isabel Saguinsin IIWednesday, July 21, 2010

    mga kapatid, this is not something new but it is really annoying and really frustrating to experience that someone from our govt side esp those people who are based to serve outside the philippines, who are arrogant when asked for assistance. THESE PEOPLE MUST BE REQUIRED TO WEAR ID AT ALL TIMES!! Civil Service Commmission Dept... please wake up

    ReplyDelete
  2. my husband had the same experience with a staff sa Phil. Consulate Al Ghusais last week. nagtatanong lang siya kung papano ang process ng pagpapa attest ng marriage certificate, pabalang din siyang sinagot ng isang nagngangalang "Henry". hindi ba kaya nga sila nagtatrabaho sa Consulate ay para mag-assist sa mga kababayan nila? kung hindi sila marunong magpakita ng tamang asal at tamad sumagot sa mga tanong, hindi sila dapat sa ganong trabaho. sana bigyang pansin yan ng Consul General. Customer Service ang dapat top priority ng mga empleyado sa Consulates.

    ReplyDelete
  3. Hi sister Avhy, napaka hayup ng ugali!! Nyeta tong taga consulate na to ha, kung ako yan di ko titigilan hangga’t di ko nairereklamo yan. Kakapikon!!!

    Tingnan ko kung pano ko to mapaparating sa right person sa Pinas..para masisante na yang tao na yan at pagsisihan nya yung kagaspangan ng ugali nya.

    ReplyDelete
  4. Actually hindi lang yang OYONG na yan ang ganyan sa PH consulate d2, madami sila dyan. At alam ko di lang dito sa UAE, pati sa ibang Phil Consulate sa ibang bansa (though di naman lahat)….hay naku!

    ReplyDelete
  5. Florence GallanoWednesday, July 21, 2010

    Kakalungkot naman ito L, bakit me ganun! baka problemado ang taong iyon!

    Sabagay, typical ng government employe, haayyzz

    ReplyDelete
  6. Fyi..baka sakali magawi kau sa embahada iwasan na lang si mang oyong para di maimbyerna…

    ReplyDelete
  7. Sa iyo, OYONG, Trabaho ninyo ang magbigay serbisyo publiko sa mga OFW. Ang OFW ang halos bumubuhay sa bansang Pilipinas. Kung di mo kayang maglingkod ng may ngiti at respeto sa kapwa ninyo, MAGRESIGN ka na!!! Wala kang karapatang maupo diyan sa silya mo. Nakakahiya at nakaka-bwisit ka!!!

    Paki-pasa ng makarating sa Embahada ang reklamo na nabanggit.

    Kabayang Angel Samaniego

    ReplyDelete
  8. Kahit pa maputol na ang leeg mo sa kakasigaw sa mga taong maayos namang nakapila sa harapan mo…

    Hinde nito mababago ang katotohanang ….trabaho mo ang pagsilbihan ang mga Pilipinong nangangailangan ng serbisyo mo….

    Bakit inde na lang ganito ang motto mo: I am happy to serve you coz you are paying my salary, …..nice po ba????

    ReplyDelete
  9. FYI- Beware para mga "KABAYAN" n mag re2new ng passport nila.

    ReplyDelete
  10. Henrix DuculanSunday, July 25, 2010

    Ang harsh naman ng taong yan.pati babae pinapatulan.waaaaaaaaaaa

    ReplyDelete
  11. Maria Elena TrinidadSunday, July 25, 2010

    Dear Consulate People,

    Paki sagot lang po. Kung totoo po ito, turuan naman sana ng manners kung pano makiharap ang mga nirereklamo na empleado sa Philippine Consultate Dubai

    Sa akin po, wala akong naranasan na bad experience, sa pakikitungo ko sa loob ng Konsulado. Kung magalang ka sa kanila, magalang din sila sa inyo.

    Sumasainyo,
    Maria Elena R. Trinidad
    OPPPS FOUNDING MEMBER/TREASURER

    ReplyDelete
  12. The Philippine Consulate General, DubaiSunday, July 25, 2010

    Consul General Valeriano has already talked to Ms. Rowena about this.

    ReplyDelete
  13. Another case sa ahensya ng Pipilinas sa Dubai!! Andaming dapat baguhin sa Philippine embassy / Consulate natin sa Dubai, I just hope hindi ganito sa lahat ng bansa na merong ahensya tayo….take note public servant sila…sa atin galing ang sinasahod nila.

    ReplyDelete
  14. Kaya ako eh walang ka amor amor sa consulada at embahada natin dito sa UAE dahil nga sa pag uugali ng mga empleyado. I dread the day I go there! Ni hindi man lang nila naiisip na tayo ang nagpapasahod sa kanila... Kung mag charge sila ng kanilang services eh pagkamaha mahal… Imagine AED 100.00 sa isang pahinang papel/dokumento lang! Samantalang ikumpara mo ang serbisyo ng ibang consulada o embahada dito eh hindi mapapantayan…. Pagka sikip sikip na lugar at walang maupuang maayos, pagka init init – ni wala mang lang proper ventilation! Sarili mong kababayan eh babastusin mo ng ganon! Ewan ko ba kung bakit hinahayaan nilang magtagal pa sa serbisyo ang mga ganyang empleyado!

    Ang dami nating mga kababayan na nangangailangan ng tulong eh hindi matulungan! Ibang tao/lahi pa ang tutulong. It’s a big joke! This is not the first time it happened… Marami pang ganyang incidences ng dahil sa pag uugali ng mga empleyado ng ating consulada. Hindi marunong magpaliwanag ng maayos…. Mga tamad! Samantalang ang kanilang sinasahod eh galing sa ating mga OFW’s!

    Sana naman eh ang ating gubyerno eh tanggalin na silang lahat at palitan ng mga bago at bata hindi yung mga datan na!

    ReplyDelete
  15. Regina CandilaSunday, July 25, 2010

    TO ALL "LIVING HEROES" OFW,

    I feel you....it happened to me whenever I have to go to our Consulate as I have shared with Rowena today. I suggested if we can all meet (if possible) and draft a "formal complain letter" with our names mentioning all the incidents which the consulate staff are involved.

    I want to believe in our new Pres. and VP that they can make a difference. It would be more helpful to them if we will list down our complains and our suggestion on how to improve the service of our Consulate.

    We should make these together for our benefit and welfare. We do not want them to say that we are just whining around and do not know what we want or need.

    We have to make noise enough for the govt to hear; instead of keeping it to ourselves. How long do we have to keep all our frustrations and disappointments.

    This story reached us through the net and we will use the same to spread our dilemmas. We are still alive and can make a difference for ourselves....that's why we are the "living heroes!"


    Sincerely yours,
    Regie

    P.S.
    Sobra na talagang nakakainins na sila!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  16. Walang ibang maayos na tugon dito kundi ang alisin sa trabaho ang tao, sa tingin ko hindi na dapat mabigyan pa ng panibagong pagkakataon ang empleyado na ito. Anoman ang problema nya gaano man ka-personal di pa rin dahilan para maging bastos kahit kanino. At sa pinuno ng Embahada tungkulin nyo ang magbigay ng serbisyo ipakita mo nararapat ka sa pamunuan na iyan.Marami ka dapat ayusin at gawin upang mas maging "comfortable" ang Embahada natin dahil iyan ay para sa amin.

    ReplyDelete
  17. To Philippine Consulate Employee,

    I know your doing your best in serving your "kabayans" here in Dubai. But, we hope that you treat this matter in a positive way to improve your services.

    We might not have an Ombutsman Office here in Dubai to complaint for a government employee like "OYONG" but we can bring this matter with them. With proper legal procedure "OYONG" nor anyone hire by our government to serve their countrymen will not be untouchable on their positions.

    ReplyDelete
  18. I've heard a lot and experienced the same with our Consulate, meron din naman mababait meron ding masungit but mostly are masusungit. di nyo ba napansin lahat ng masungit dun ay pangit at ang mga mababait ay maganda/gwapo. I'd rather not go down to their level since ako ang mas may pinag-aralan sa kanila ako na lang ang dapat umintindi kung sakali man na may pinag-aralan sila i'm sorry to say but di nila kaya i-apply yun sa buhay nila. Kakahiya lalo na sa ibang lahi kung ganito ang pag uugali ng mga taong nagrerepresent ng bansa natin :-( Consulate of Dubai, Please do something abouth this. Thank you po (",)

    ReplyDelete
  19. Abegail CaguntasSunday, August 01, 2010

    Hays, na experience ko din to L
    Last month din, mga bastos tlg tao dun.
    Walang wenta, asar tlg!

    ReplyDelete
  20. I AGREE hindi ito bago noon 2001 naranasan ko rin yan pero hindi sila umubra sa akin.

    ReplyDelete
  21. FYI...

    Para sa kinauukulan... nakakahiya ang ganyang mga tao... na kawani pa ng ating Consulado!!!

    Kilos mga kabayan natin... na may paraan... pra mahinto ang ganitong mga taong BASTOS!!!

    Iparating kay PNOY ito... ;-),

    ReplyDelete
  22. wish ko lang makarma sila sa ginagawa nila kc di sila nakakatulong sa mga pinoy dito sa UAE. specialy sa tourism nag propromote nga ng destination sa pinas tapos ganito pa ang service nila.. im so disappointed kc kaming nasa front line ng tourism industry ang nasasapol sa mga issue na ito..

    ReplyDelete
  23. Ma. Rosario BailonSunday, August 01, 2010

    Para sa kinauukulan... nakakahiya ang ganyang mga tao... na kawani pa ng ating Consulado!!!

    Kilos mga kabayan natin... na may paraan... pra mahinto ang ganitong mga taong BASTOS!!!

    Iparating kay PNOY ito... ;-),

    ReplyDelete
  24. Mga kababayan!!!.

    Ano ba ang mga empleyado sa ating consulate,,,Natutulog grabe sa araw na eto ilang beses akong tumawag. Mula umaga hanggang ngayon hindi ko parin ma contact na dial kuna ang lahat nang extension na sinabi nang operator pero wala paring sumasagot...

    Pano pag may kabayan tayo na ngangailangan nang agarang action or nasa piligrong sitwasyon at kailangan nang tulong... Tapos ni hindi marunong sumagot ang mga nakaupo diyan sa ating embahada...

    Mula pa nuon wala nang sumasagot sa ating Embahada pag tayong tatawag... ano pa ang dahilan na mag lagay sila nang linya nang telephono sa Embahada.... "USELESS"

    Nakakahiya at Nakakadismaya!!! :(

    Diane :(

    ReplyDelete
  25. Wala naman akong nakitang mali dun sa mga procedures except di nya lang nagustuhan ang ugali ng government official sa Dubai kung sumagot. Baka kase problemado si Oyong sa buhay nya at yung nag rereklamo badtrip din sa layo ng nilakbay nya. Anyways, alam natin maraming kurakot jan sa dubai phil consulate kaya kung me evidence ka sa kamalian na ginawa nya mag reklamo ka sa pulis. Pero kung yung story ni Diane ang gagamitin mong evidence, sorry pero mag aaksaya ka lang ng oras. Dapat dun ka sa Presidente ng Pilipinas mag email para palitan si Oyong ng staff na me customer service orientation. Wala akong account sa mga options kaya anonymous nalang.

    ReplyDelete

COMMENTS WITH NO NAME WILL BE DELETED UNLESS REQUESTED TO HAVE THE NAME NOT TO BE PUBLISHED