Tuesday, July 6, 2010

PINOY SINAWING PALAD SA KISH ISLAND

Subject: Mark Lloyd Carmen, 24 y.o. Sinawing palad sa Kish Island - Hulyo 1, 2010
Mahal Naming Mga Kababayan, Naririto po kami lumalapit sa inyo upang humingi ng tulong sa inyo para sa isa nating kababayan na kinitlan ng buhay kahapon petsa Hulyo 1, 2010 araw ng Huwebes. Siya ay sinamang-palad....click the title to read more

4 comments:

  1. pls dont use kish as an exit point while waiting for your employment / new visa

    ReplyDelete
  2. Anonymous said...
    Salamat sa inyo Samahang Pinoy Kawanggawa!

    Hindi ko alam kung papaano ninyo nakuha ang sulat at larawang ito na aking inihanda kasama ang ilang mga kaibigan ni Mark sa kwarto ng Khatam Hotel sa Kish Island nung sya ay bianwian ng buhay.

    Ang layunin ng sulat na ito ay upang iparating sa ating mga kababayan at mga kaibigan na unang-una ay makahingi ng tulong pinansyal para sa kanyang mga magulang at higit sa lahat sa kanyang asawa at dalawang anak na nasa Pilipinas.

    Pangalawa ay maiparating ang kanyang sinapit sa kinauukulan at sa mga iba pang mga kababayan ang kalagayan ng mga tulad ni Mark sa pagdating sa ganitong lugar sa ibayong dagat.

    Kaya kung sinoman ang may tunay layunin na makatulong sa kanyang pamilya ay ngalan mpo ng kanyang Aunti Laila sa Al Ain at sampu ng aming mga kasama at kaibigan ni Mark ay maaari kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
    Jeremy - UAE# 050-4143096
    Joven - IRAN-KISH# +98-928-3980927

    ReplyDelete
  3. Magandang araw po sa inyong lahat.

    Sa mga kababayan po nating tumutulong at patuloy na nanalangin sa sitwasyon ng isa nating kababayan at naging kaibigan na si Mark Lloyd Carmen ay nagpapasalamat po kaming kasama nya sa Kish at mula din po sa kaniyang pamilya sa pinas at dito sa UAE ay taus puso po kaming nagpapasalamat sa walang humpay na pagbibigay alam sa sinapit ng kanyang kapalaran dito sa ibayong dagat.

    Ganun pa man ay patuloy po namin sinisikap na mabigyan ng tulong kanyang pamilya laung-lalo na ang kanyang asawa at mga anak na maiabot ang mga nakolektang abuloy.

    Sa ngaypn po naghihintay pa rin kami ng mga ilang koleksyon sa ibat-ibang mga kasama at kaibigan na patuloy na nangangalap ng konting halaga maging dito sa UAE.

    Kaya kung sino man po sa inyo ang may alam na may kakayanan mangalap ng abuloy para sa kanyang pamilya ang maaari po ninyong ipagbigay alam sa inyo pong lingkod. At kung sa Kish po ninyo gustong iparating ang inyong tulong ay maaari po ninyong ipagbigay-alam kay Joven Sayson sa teleponong: +98-938-3980927.

    Sapagkat ako po ay naatasan ng kanyang tyahin dito sa UAE na ipunin lahat ng mga nakolektang tulong mula sa aming mga kaibigan at kakilala.

    Maraming salamat po.


    Jeremy Aruta
    050-4143096

    ReplyDelete
  4. taos puso pong pakikiramay sa mga naulila ng ating kabayang si Mark.

    Marami pong nagtatanong sa inyong blog kung inyo pong mararapatin ano po ba ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay sa Kish.?

    ReplyDelete

COMMENTS WITH NO NAME WILL BE DELETED UNLESS REQUESTED TO HAVE THE NAME NOT TO BE PUBLISHED